top of page

15 ALLEGED FIXERS, ARESTADO SA LTO ENTRAPMENT OPERATION

Writer: Arvin Enriquez
Arvin Enriquez
Aug 12
1 min read

Labinlimang umano’y fixer ang naaresto ng Land Transportation Office (LTO) sa isang entrapment operation nitong Miyerkules, Agosto 12, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng ahensya laban sa fixing.



Ayon sa LTO, isinagawa ang operasyon sa pagpapatuloy ng “Laban sa Fixing, Pinaiigting” campaign, na naglalayong sugpuin ang mga ilegal na tagapamagitan sa mga transaksyon sa ahensya.


Dinala ang mga suspek sa Police Station 10 sa Kamuning para sa karagdagang imbestigasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.


Patuloy namang hinihikayat ng LTO ang publiko na umiwas sa mga fixer at gamitin lamang ang opisyal na proseso at mga awtorisadong channel ng ahensya. Ayon sa LTO, ang pakikipagtransaksyon sa fixers ay maaaring maglantad sa publiko sa panloloko, overcharging, at iba pang ilegal na gawain.


Paalaala ng LTO: Huwag magpa-fixer. Dumaan sa tamang proseso#throwback

Comments


bottom of page