top of page
4.png

21 INFORMANTS RECEIVE OVER P4M IN PNP REWARDS FOR KEY INTELLIGENCE

  • Writer: The LOStories Writing Team
    The LOStories Writing Team
  • May 4
  • 1 min read

Umabot sa 21 impormante ang ginawaran ng kabuuang mahigit ₱4 milyong cash reward ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes, May 4, bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa mga operasyon laban sa krimen.


Ayon sa ulat, isang impormante ang tumanggap ng pinakamalaking insentibo na nagkakahalaga ng ₱1 milyon matapos tumulong sa matagumpay na pag-aresto noong Oktubre 1, 2025, sa isang suspek na nahaharap sa 54 na bilang ng paglabag sa Terrorism Financing and Suppression Act of 2012.


Binigyang-diin ni Jose Melencio Nartatez Jr., hepe ng PNP, ang kritikal na papel ng mga impormante sa pagpapatupad ng batas. Aniya, sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon, napipigilan ang posibleng panganib at napapabilis ang proseso ng hustisya.


Dagdag pa niya, patuloy na palalakasin ng PNP ang kanilang ugnayan sa publiko upang mahikayat ang mas marami pang mamamayan na makipagtulungan sa awtoridad laban sa kriminalidad at terorismo.


Ang naturang pagbibigay ng reward ay bahagi ng patuloy na kampanya ng kapulisan upang kilalanin at suportahan ang mga indibidwal na tumutulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.


Comments


bottom of page