top of page
4.png

AMERIKANONG SEX CRIME 40 YEARS FUGITIVE, TIMBOG SA CAVITE

  • Writer: The LOStories Writing Team
    The LOStories Writing Team
  • May 2
  • 1 min read

Arestado sa Pilipinas ang 69-anyos na Amerikanong pugante na si Young Tom Talmadge matapos maiugnay sa isang kaso ng pagdukot at pang-aabuso sa isang batang babae sa Florida noong 1989 sa pamamagitan ng DNA evidence.



Ayon sa Bureau of Immigration (BI), nadakip si Talmadge noong Abril 23 sa General Mariano Alvarez, Cavite sa tulong ng impormasyon mula sa US Homeland Security Investigations.


Kinumpirma naman ng Florida Department of Law Enforcement ang DNA match na naging susi sa pag-usad ng matagal nang kaso. Batay sa rekord ng 13th Judicial Circuit Court of Hillsborough County, inilabas ang warrant of arrest noong Marso 20, 2025.


Nahaharap si Talmadge sa mga kasong sexual battery sa menor de edad, lewd acts, at kidnapping.


Sa kasalukuyan, nakapiit siya sa BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig habang hinihintay ang deportation proceedings.


Ayon kay Joel Anthony Viado, bahagi ang operasyon sa pinaigting na kampanya laban sa mga dayuhang pugante at sex offenders.


“This operation reflects our strong commitment to ensure that fugitives, especially those involved in crimes against children, are brought to justice and removed from our communities,” ani Viado.

Patuloy ang koordinasyon ng mga awtoridad ng Pilipinas at Estados Unidos para sa agarang pagbabalik ng suspek sa Amerika upang harapin ang kanyang mga kaso.



Comments


bottom of page