top of page

ARAPAIMA NA NAGKAKAHALAGA NG P7-M, UMANO'Y NINAKAW AT KINATAY NG 3 MANGGAGAWA, ARESTADO

  • Writer: Arvin Enriquez
    Arvin Enriquez
  • Jul 10
  • 1 min read

PAGBILAO, Quezon — Tatlong manggagawa ang inaresto matapos umanong nakawin at katayin ang isang pambihirang Arapaima na tinatayang nagkakahalaga ng P7 milyon sa loob ng isang resort sa Barangay Bantigue, Pagbilao, Quezon noong Lunes, Hulyo 6.



Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nadiskubre ng pamunuan ng resort na nawawala ang naturang higanteng freshwater fish, na kilala bilang isa sa pinakamalalaking uri ng isdang-tabang sa mundo at pangunahing atraksiyon ng resort.


Sa isinagawang imbestigasyon, natukoy ang tatlong suspek na pawang mga manggagawa ng establisimyento. Sa ulat ng mga awtoridad, pinaniniwalaang kinuha ng mga suspek ang isda mula sa pond at kalaunan ay kinatay.


Narekober din umano ang mga bahagi ng Arapaima at iba pang ebidensiyang nag-uugnay sa mga suspek sa insidente. Nahaharap ang mga naaresto sa kasong qualified theft, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy kung may iba pang sangkot sa krimen at kung ano ang naging motibo sa pagnanakaw.


Patuloy namang pinapaalalahanan ng mga awtoridad ang mga establisimyento na may mahahalagang hayop o ari-arian na paigtingin ang kanilang seguridad upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.

Comments


bottom of page