ASAWA NI VP SARA DUTERTE, MAGHAHAIN NG REKLAMO LABAN SA BSP, AMLC AT MGA KONGRESISTA
- The LOStories Writing Team

- Apr 27
- 1 min read
Maghahain ng kasong kriminal ang asawa ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Manases Carpio laban sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Anti-Money Laundering Council (AMLC), at ilang miyembro ng House Committee on Justice sa darating na Lunes, Abril 27.

Ayon sa impormasyon, ihahain ang reklamo sa Quezon City Prosecutor’s Office, kung saan nakapaloob ang mga alegasyon ng paglabag sa Anti-Money Laundering Act, Bank Secrecy Law, at mga batas kaugnay ng data privacy at confidentiality.
Inaasahang personal na magsusumite si Carpio ng reklamo laban sa mga nabanggit na ahensya at ilang mambabatas na sangkot umano sa isyu.
Wala pang opisyal na pahayag mula sa BSP, AMLC, at mga kongresistang nadawit sa usapin habang hinihintay ang pormal na paghahain ng kaso.



Comments