AURORA POLICE DIRECTOR, SINIBAK MATAPOS MAGHAYAG NG ‘WALANG FOUL PLAY’ SA PAGKAMATAY NG DALAWANG ATENEO ATHLETES
Kinumpirma ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na tinanggal sa puwesto ang Aurora Police Provincial Director ilang araw matapos ang kontrobersyal na pagkamatay ng dalawang Ateneo athletes na sina Rene Baterbonia at Devine Adili sa bayan ng Dipaculao, Aurora.

Ayon kay Nartatez, napaaga ang pahayag ng opisyal nang sabihin nitong walang nakikitang foul play sa insidente kahit hindi pa tapos ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.
Pinalitan si Col. Percival Pineda ni PCol. Cornelio Ordanza, na itinalagang Officer-in-Charge ng Aurora Police habang nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon sa kaso.
Samantala, patuloy na iniimbestigahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang buong pangyayari upang matukoy ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng dalawang atleta.
Batay sa paunang impormasyon, nasa 10 hanggang 11 indibidwal ang posibleng masangkot sa kaso, kabilang ang ilang miyembro ng basketball team staff.
Inaasahang maisusumite ng CIDG sa Department of Justice (DOJ) ang resulta ng kanilang imbestigasyon at mga rekomendasyon kaugnay ng kaso sa Biyernes.






Comments