top of page

BATANES, BAHAGI UMANO NG "NATURAL EXTENSION" NG TAIWAN?

  • Writer: Arvin Enriquez
    Arvin Enriquez
  • Jul 10
  • 1 min read

Nagbabala si SeaLight Director Ray Powell kaugnay ng isang umuusbong na naratibo sa China matapos umanong ilarawan ng ilang Chinese scholars ang Batanes bilang isang "natural geographical extension" ng Taiwan sa isang symposium na iniulat ng Chinese state media.



Ayon kay Powell, sinabi umano ng mga iskolar na ang Batanes ay isang likas na heograpikal na ekstensyon ng Taiwan at iginiit na dapat itong mapasailalim sa China. Aniya, ang ganitong naratibo ay maaaring magsilbing pretext o dahilan upang bigyang-katwiran ang mas malawak na presensya ng China sa lugar at gawing mas komplikado ang usapin sa rehiyon.


Gayunman, nilinaw ni Powell na wala pang opisyal na pahayag mula sa People's Republic of China na sumusuporta sa naturang posisyon. Aniya, ang naturang pananaw ay lumalaganap pa lamang sa antas ng ilang provincial at academic discussions sa China.


Ang pahayag ay lumabas sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa rehiyon at ng tumitinding usapin hinggil sa seguridad at mga territorial claims sa Indo-Pacific. Hanggang sa ngayon, wala pang opisyal na tugon ang pamahalaan ng Pilipinas kaugnay sa naturang ulat.

Comments


bottom of page