top of page
4.png

DALAWANG 7-ANYOS, PATAY SA LOOB NG NAKAPARADANG SASAKYAN SA CEBU

  • Writer: Jacob Sakiwat
    Jacob Sakiwat
  • 5 days ago
  • 1 min read

Nauwi sa trahedya ang pagkawala ng dalawang batang magkaibigan matapos silang matagpuang wala nang buhay sa loob ng isang nakaparadang sasakyan sa Barangay Tuyan, Naga City, Cebu.



Kinilala ang mga biktima na sina Remart Cunag at Jeff Xian Abellar, kapwa pitong taong gulang, na iniulat na nawawala noong May 17 matapos umanong maglaro sa kanilang lugar. Ayon sa imbestigasyon, huling namataan sa CCTV ang dalawang bata habang papunta sa parking area kung saan kalaunan natagpuan ang abandonadong sasakyan.



Makalipas ang tatlong araw, nakaramdam umano ng mabahong amoy ang mga residente malapit sa lugar dahilan upang madiskubre ang mga naaagnas nang katawan ng mga bata sa loob ng sasakyan.



Ayon sa pulisya, walang indikasyon ng foul play sa insidente at posibleng na-trap umano ang mga bata habang naglalaro sa loob ng sasakyan. Gayunman, nananatiling may pagdududa ang pamilya ng isa sa mga biktima matapos umano silang makakita ng sugat at dugo sa kamay ng bata kaya nais nilang sumailalim sa autopsy ang mga labi nito.

Comments


bottom of page