DALAWANG DPWH-CAR OFFICIALS, SINIBAK MATAPOS MAHULOG SA BANGIN ANG SIKLISTA SA BENGUET
- The LOStories Writing Team

- May 19
- 1 min read
Updated: May 21
Tinanggal sa puwesto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang dalawang opisyal ng DPWH-Cordillera Administrative Region matapos ang trahedya sa Beckel, La Trinidad, Benguet kung saan nasawi ang isang siklista matapos mahulog sa bangin sa bahagi ng kalsadang may pagguho.

Inalis ni DPWH Secretary Vince Dizon sa kanilang posisyon sina District Engineer Isagani Cayme at Engineer III Marjory Banao dahil umano sa kawalan ng sapat na road safety signages at traffic control devices, kabilang ang concrete barriers, sa apektadong bahagi ng kalsada.
Ayon sa DPWH, kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na papanagutin ang mga opisyal at empleyado ng ahensya na nagpapabaya sa kanilang tungkulin at naglalagay sa panganib sa buhay ng publiko
.
Binigyang-diin ni Dizon na hindi dapat nauuwi sa trahedya ang kapabayaan sa mga safety measures, lalo na sa mga lugar na may ongoing road works at landslide damage.
Nagbabala rin ang kalihim sa mga kontratista ng DPWH na mahaharap sa kanselasyon ng kontrata, blacklisting, at posibleng kasong kriminal ang mga hindi sumusunod sa mahigpit na safety requirements habang may ginagawang imprastraktura.



Comments