top of page

DFA, NAGHAIN NG DIPLOMATIC PROTEST VS CHINA MATAPOS ILARAWAN NG CHINA DAILY ANG MGA PILIPINO BILANG MGA UNGGOY

  • Writer: Arvin Enriquez
    Arvin Enriquez
  • Jul 18
  • 2 min read

Mariing kinondena ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang AI-generated video at editorial cartoons na inilathala ng Chinese state-run media outlet na China Daily, na naglalarawan sa mga Pilipino bilang mga unggoy kaugnay ng usapin sa South China Sea.




Ayon sa DFA, ang naturang mga materyal ay racist, dehumanizing, at hindi katanggap-tanggap, kaya naghain na ang Pilipinas ng diplomatic protest laban sa China.

Mariing kinondena ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang AI-generated video at editorial cartoons na inilathala ng Chinese state-run media outlet na China Daily, na naglalarawan sa mga Pilipino bilang mga unggoy kaugnay ng usapin sa South China Sea.


Ayon sa DFA, ang naturang mga materyal ay racist, dehumanizing, at hindi katanggap-tanggap, kaya naghain ang Pilipinas ng diplomatic protest laban sa China.


Kinumpirma ng kagawaran na personal na inihain ni DFA Undersecretary Leo Herrera-Lim ang pagtutol ng Pilipinas kay Chinese Ambassador Jing Quan noong Hulyo 16. Nagpadala rin ang Embahada ng Pilipinas sa Beijing ng liham sa editor-in-chief ng China Daily, na humihiling na alisin ang naturang mga materyal.


Inilathala noong Hulyo 10 ang AI-generated video na nagpapakita ng isang unggoy na nakasuot ng barong Tagalog at salakot, habang tinatalakay ang 2016 South China Sea Arbitral Award.


Binigyang-diin ng DFA na bagama't may magkakaibang pananaw ang Pilipinas at China sa usapin ng West Philippine Sea, hindi ito nagbibigay-katwiran sa paggamit ng mga materyal na nang-iinsulto at naglalarawan sa mga Pilipino sa paraang mapanlait.


Samantala, hinamon ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea Rear Adm. Jay Tarriela sina Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Robin Padilla na manawagan din ng paghingi ng paumanhin mula sa China matapos ilabas ng China Daily ang AI-generated video.


Ayon kay Tarriela, ang dalawang senador ang kabilang sa mga naunang bumatikos sa kanya at nanawagang humingi siya ng paumanhin sa Beijing matapos niyang magbahagi ng caricature ni Chinese President Xi Jinping noong Enero.


“My question now to the senators — particularly Sen. Alan Peter Cayetano and Sen. Robin Padilla, who said I was the one who crossed the line last January because of that caricature — is this: will our senators also demand an apology from the Chinese embassy for calling us monkeys?” Tarriela told reporters.


Kinondena rin ng National Security Council (NSC) ang video, at iginiit na ang propaganda at mapanirang paglalarawan ay hindi makapagbabago sa bisa ng 2016 Arbitral Award. Nanawagan din ang konseho sa China na igalang ang international law at dignidad ng bawat tao.


Samantala, sinabi ng DFA na patuloy na itataguyod ng Pilipinas ang diplomasya at mapayapang pag-uusap, ngunit maninindigan laban sa anumang uri ng diskriminasyon, racist na pahayag, at mapanlait na propaganda.

Comments


bottom of page