DIOKNO TO VP SARA: 'IMPEACHMENT TRIAL ITO, HINDI ACTION MOVIE'
- Arvin Enriquez
- Jul 7
- 1 min read
Nagbanggaan ang mga pahayag ni Vice President Sara Duterte at Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno sa ikalawang araw ng impeachment trial ng Bise Presidente sa Senado nitong Martes, Hulyo 7.

Bago magsimula ang pagdinig, dumating si Duterte sa Senado upang makipagpulong sa kanyang defense team. Sa isang press conference, iginiit niya ang mensaheng, "I will be bloodied but unbowed," na aniya'y sumasalamin sa kanyang paninindigan habang hinaharap ang impeachment case.
Gayunman, ayon sa kanyang abogado na si Atty. Michael Poa, hindi personal na dumalo si Duterte sa impeachment proceedings. Sa halip, ang kanyang legal team ang kumatawan sa kanya sa Senate impeachment court, alinsunod sa mga patakaran ng impeachment trial na nagpapahintulot sa respondent na katawanin ng kanyang mga abogado.
Kasunod nito, naglabas ng matinding reaksyon si Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno sa social media.
"Puro drama na lang? Bakit laging madugo ang script? Impeachment trial ito, hindi action movie," ani Diokno. Hinamon din niya ang Bise Presidente na sagutin ang mga alegasyong nakasaad sa Articles of Impeachment sa halip na gumamit ng mga matitinding pahayag.
Nagpatuloy ang pagdinig sa Senado sa pagtalakay ng mga procedural matters habang naghahanda ang prosecution at defense para sa mga susunod na yugto ng impeachment trial.






Comments