
DSWD GUARANTEE LETTERS, TATANGGAPIN NA MULI SA 262 MERCURY DRUG BRANCHES SIMULA HUNYO 22
- Justine Astodillo

- Jun 21
- 1 min read
Mas mapapadali na ang pagkuha ng gamot at iba pang mahahalagang medical supplies para sa mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Simula Lunes, Hunyo 22, maaari nang gamitin muli ng mga AICS beneficiaries ang kanilang Guarantee Letters (GLs) sa 262 sangay ng Mercury Drug sa buong bansa, ayon sa DSWD. Layunin ng hakbang na palawakin ang access ng mga nangangailangang Pilipino sa mga gamot at serbisyong medikal.
Bago ang panibagong pakikipagtulungan sa Mercury Drug, nakipagkasundo rin ang DSWD sa Generika Drugstore upang tanggapin ang mga GL ng AICS beneficiaries. Sa pamamagitan nito, mas marami nang pagpipilian at mas malawak na network ng mga botika ang maaaring puntahan ng mga benepisyaryo para sa kanilang mga pangangailangang medikal.
Ayon sa DSWD, bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng ahensya na gawing mas mabilis, mas madali, at mas accessible ang pagbibigay ng tulong sa mga indibidwal at pamilyang nasa krisis.






Comments