GABRIELA, NAGPROTESTA LABANSA FUEL TAXES
- Arvin Enriquez

- Apr 30
- 1 min read
Nagkasa ng kilos-protesta ang mga miyembro ng Gabriela sa harap ng Department of Finance nitong Huwebes upang hilingin sa pamahalaan na alisin ang value-added tax (VAT) at excise tax sa produktong petrolyo.

Sa gitna ng protesta, naghagis ng pintura at bulok na kamatis ang ilang demonstrador sa poster ni Finance Secretary Ralph Recto bilang pagpapakita ng kanilang galit sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at dagdag-pasanin umano ito sa mga ordinaryong mamamayan.
Ayon sa Gabriela, labis na naaapektuhan ng fuel taxes ang mga manggagawa, commuter, at mahihirap na pamilya dahil kasabay ng taas-presyo sa langis ay ang pagtaas din ng pamasahe at presyo ng mga pangunahing bilihin. Nanawagan ang grupo sa gobyerno na unahin ang kapakanan ng mamamayan at alisin ang mga buwis na anila’y nagpapahirap lalo sa publiko.



Comments