top of page

HALOS P4 BAWAS SA PRESYO NG LANGIS, IPINATUPAD; LPG POSIBLENG SUMIPA NG P3/KILO

Writer: Arvin Enriquez
Arvin Enriquez
Sep 1
1 min read

Ang panibagong tapyas sa presyo ng petrolyo ay ipinatupad matapos ang dalawang magkasunod na linggong oil price hike, na nagdulot ng dagdag-pasanin sa mga motorista at iba pang consumer.



Gayunman, maaaring ma-offset ang ginhawang hatid ng rollback sa petrolyo dahil posibleng sumipa naman ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong Setyembre.


Ayon kay Regasco President Arnel Ty, maaaring tumaas ng P2 hanggang P3 kada kilo ang presyo ng LPG. Para sa karaniwang 11-kilogram na tangke, katumbas ito ng dagdag na humigit-kumulang P22 hanggang P33.


Ipinaliwanag ni Ty na kabilang sa mga dahilan ng inaasahang pagtaas ang pagmamahal ng shipping cost at paghina ng piso laban sa dolyar, na nakaaapekto sa gastos sa pag-aangkat ng LPG.


Samantala, hinihintay pa ang pinal na price adjustment na iaanunsyo ng Department of Energy (DOE).


Sa ngayon, nakikinabang ang mga motorista sa malaking rollback sa diesel at kerosene, ngunit nananatiling nakaabang ang mga consumer sa magiging galaw ng presyo ng LPG sa mga susunod na araw.


Comments


bottom of page