HOUSE APPROVES 5-YEAR PRC ID BILL
- Arvin Enriquez

- May 15
- 1 min read
Inaprubahan na sa ikalawang pagbasa ng House of Representatives ang House Bill No. 8876, isang panukalang batas na naglalayong palawigin ang validity ng Professional Regulation Commission (PRC) IDs mula tatlong taon hanggang limang taon.

Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, isa sa mga may-akda ng panukala, layunin nitong mabawasan ang gastusin, abala, at mahabang proseso na dinaranas ng milyun-milyong Filipino professionals sa paulit-ulit na renewal ng kanilang lisensya.
Samantala, sinabi naman ni House Majority Leader Sandro A. Marcos na malaking ginhawa ang panukala para sa mga propesyunal dahil mababawasan ang oras, pera, at pagod na inilalaan nila sa pagkuha ng appointment at pagpila para sa renewal.
Sa ilalim ng HB 8876, inaatasan din ang ICT Service ng Professional Regulation Commission na kumpletuhin sa loob ng anim na buwan ang kinakailangang upgrades sa Licensure Examination Registration Information System at iba pang administratibong proseso oras na maging ganap na batas ito.
Kapag naisabatas, inaasahang magiging mas magaan at mas episyente ang renewal process para sa mga lisensyadong propesyunal sa bansa.



Comments