top of page
4.png

'HUMIHINGI PO AKO NG TAWAD': PULIS NA NANAKIT NG LIVE-IN PARTNER,HUMARAP SA REKLAMO

  • Writer: The LOStories Writing Team
    The LOStories Writing Team
  • May 13
  • 1 min read

Humingi ng tawad sa kaniyang live-in partner at sa buong hanay ng Philippine National Police (PNP) ang isang police corporal na nakuhanan ng video habang umano’y sinasaktan ang kaniyang kinakasama sa Malolos City, Bulacan.



Nag-viral sa social media ang naturang video matapos makita ang umano’y pananakit ng pulis sa loob ng kanilang tirahan, bagay na umani ng matinding reaksiyon mula sa publiko.


Sa inilabas na pahayag, sinabi ng pulis na nagsisisi siya sa nangyari at humihingi ng paumanhin sa kaniyang kinakasama, pamilya nito, at sa organisasyong kaniyang kinabibilangan.


Kasunod ng insidente, agad namang kumilos ang PNP at kinumpirma na gumugulong na ang kasong administratibo laban sa police corporal. Naisampa na rin ang kasong kriminal kaugnay ng insidente.


Ayon sa mga awtoridad, hindi nila kukunsintihin ang anumang uri ng karahasan, lalo na kung sangkot ang isang miyembro ng kapulisan na inaasahang magsilbing tagapagpatupad ng batas at protektor ng mamamayan.


Patuloy namang iniimbestigahan ang insidente habang hinihintay ang susunod na hakbang sa mga kasong isinampa laban sa pulis.


Comments


bottom of page