top of page
4.png

INDIAN NATIONAL, TIKLO SA P850K SMUGGLED CIGARETTES SA MOUNTAIN PROVINCE

  • Writer: The LOStories Writing Team
    The LOStories Writing Team
  • May 13
  • 1 min read

Tiklo ang isang Indian national matapos makuhanan ng mahigit P850,000 halaga ng umano’y smuggled cigarettes sa ikinasang anti-illicit cigarette operation sa Besao, Mountain Province noong Mayo 12.



Ayon sa pulisya, nahuli ang 33-anyos na negosyante sa Barangay Kin-iway habang isinasagawa ang operasyon laban sa iligal na sigarilyo. Nasamsam mula sa suspek ang 82 reams ng MODERN Red cigarettes, 15 reams ng MODERN Lights, at 10 packs pa ng MODERN Red cigarettes.


Batay sa pagsusuri ng Bureau of Internal Revenue (BIR), umaabot sa P850,124.49 ang kabuuang tax liability ng mga nakumpiskang produkto.


Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Graphic Health Warning Law at TRAIN Law kaugnay ng umano’y pagbebenta at pag-iingat ng smuggled cigarettes.


Dinala ang suspek at mga nasamsam na yosi sa Besao Municipal Police Station para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang reklamo.

Comments


bottom of page