ISA SA MGA SUSPEK SA SCHOOL SHOOTING, UMANO’Y NAHUMALING SA ‘GOREBOX’ VIDEO GAME
- Arvin Enriquez
- Jun 23
- 1 min read
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na isa sa mga suspek sa naganap na school shooting sa Tacloban City, Leyte ay umano’y nahumaling sa online game na “GoreBox,” isang video game na nagtatampok ng paggamit ng iba’t ibang uri ng baril at pampasabog upang sirain ang mga character sa loob ng laro.

Ayon sa Police Regional Office 8 (PRO-8), lumalabas sa paunang imbestigasyon na isa sa mga suspek, isang 14-anyos na estudyante, ay umano’y aktibong gumagamit ng online game na “GoreBox” bago ang insidente. Gayunman, nilinaw ng pulisya na hindi pa ito itinuturing na pangunahing motibo at patuloy pa ang mas malalim na imbestigasyon sa kaso.
Sinabi ni PRO-8 Director PBGen. Jason Capoy na tinutukoy ng mga imbestigador ang iba’t ibang posibleng dahilan ng krimen, kabilang ang personal na alitan, impluwensiya ng kapaligiran, at iba pang salik na maaaring nakaapekto sa mga suspek.
Dalawang menor de edad, edad 14 at 15, ang itinuturong responsable sa insidente. Batay sa ulat, pumasok umano ang mga ito sa loob ng campus at nagpaputok ng armas na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong estudyante at pagkasugat ng iba pa.
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang kabuuang motibo sa likod ng insidente habang nasa kustodiya na nila ang mga suspek.






Comments