top of page

LACSON, BINATIKOS ANG PLANONG NBI NA IPA SUBPOENA ANG ASAWA NI SEN BATO

  • Writer:  Arvin Enriquez
    Arvin Enriquez
  • Jun 1
  • 1 min read

Umani ng batikos mula kay Senador Panfilo "Ping" Lacson ang plano ng National Bureau of Investigation (NBI) na ipatawag si Nancy dela Rosa, asawa ni Senador Ronald "Bato" dela Rosa, bilang bahagi ng patuloy na paghahanap sa senador na nahaharap sa arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).



Nauna nang sinabi ni NBI Director Atty. Melvin Matibag na pinag-aaralan ng ahensya ang pagpapalabas ng subpoena laban kay Nancy dela Rosa at iba pang mga personalidad na may kamakailang pakikipag-ugnayan sa senador upang makatulong sa kanilang manhunt operation.


Gayunman, mariing tinutulan ni Lacson ang naturang hakbang at sinabing hindi ito ang tamang paraan ng pangangalap ng impormasyon.


"Please don't do this. Aside from exposing your incompetence in intelligence work, harassing Senator dela Rosa's wife to track him is unprofessional, 'trabahong-tamad,'" ani Lacson.

Ayon sa senador, mas mainam na gamitin ng mga awtoridad ang kanilang intelligence capabilities kaysa umasa sa pagpapatawag sa asawa ng isang taong kanilang hinahanap.


Nauna nang sinabi ni Matibag na isinasaalang-alang ng NBI ang pagpapatawag kay Nancy matapos nitong aminin na sinamantala umano ni Sen. dela Rosa ang kaguluhang dulot ng insidente sa Senado upang makaalis sa gusali noong Mayo.


Sa ngayon, wala pang opisyal na tugon si Matibag sa mga pahayag ni Lacson.


Patuloy naman ang operasyon ng NBI upang matunton ang kinaroroonan ni Sen. dela Rosa kaugnay ng ICC arrest warrant na inisyu laban sa kanya.

Comments


bottom of page