top of page

LALAKI NASAWI MATAPOS MAIPIT SA ELEVATOR SHAFT MACHINERY SA TONDO

  • Writer: Arvin Enriquez
    Arvin Enriquez
  • Jul 3
  • 1 min read

Nasawi ang isang lalaking caretaker matapos maipit sa bahagi ng elevator shaft machinery ng isang residential-commercial building sa Barangay 141, Tondo, Maynila, nitong Huwebes ng umaga.



Ayon kay Barangay 141 Chairman Leonardo San Diego, tubong Oriental Mindoro ang biktima at nagsisilbing caretaker ng gusali. Batay sa paunang imbestigasyon ng Manila Police District (MPD), naipit umano siya sa pagitan ng pader at ng elevator shaft machinery habang nasa bahagi ng elevator mechanism.


Agad na rumesponde ang mga awtoridad at rescue personnel sa lugar, ngunit idineklara nang dead on arrival ang biktima dahil sa matinding pinsalang tinamo sa insidente.


Patuloy na iniimbestigahan ng MPD ang eksaktong pangyayari, kabilang ang pagtukoy kung ang insidente ay dulot ng mechanical malfunction, aksidenteng pagkakaipit, o iba pang salik. Habang isinasagawa ang imbestigasyon, pansamantala munang hindi pinapagana ang elevator ng gusali upang sumailalim sa masusing inspeksyon at matiyak ang kaligtasan ng mga residente at iba pang gumagamit ng pasilidad.

Comments


bottom of page