LET ME BE THE ONE TO SERVE THE WARRANT?
- Arvin Enriquez

- May 22
- 1 min read
Kinuwestyon ni Atty. Jimmy Bondoc ang legal counsel ni Ronald dela Rosa, ang legalidad ng pagpapatupad ng arrest warrant mula sa International Criminal Court o ICC laban sa senador.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Bondoc na wala pang umiiral na malinaw na batas o “applicable rules” sa Pilipinas pagdating sa mga foreign o unrecognized warrants, dahilan umano ng kalituhan sa usapin.
“Matagal ko na pong sinasabi, pagdating sa foreign, unrecognized warrants, wala pang batas o applicable rules, kaya nagkakagulo,” ani Bondoc.
Nagbitiw rin siya ng patutsada kaugnay kay Antonio Trillanes IV matapos nitong magpahayag hinggil sa posibilidad ng pagsilbi ng warrant.
“Kapag si Trillanes, puwedeng mag-serve, kaming mga abogado, hindi?” dagdag pa niya.
Patuloy namang umiinit ang diskusyon hinggil sa hurisdiksyon ng ICC at kung paano ito maaaring ipatupad sa Pilipinas, lalo na sa gitna ng mga usaping may kaugnayan sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.



Comments