LEVISTE NANAWAGAN NG PAGBIBITIW NI RECTO SA LABOR DAY PROTESTA
- The LOStories Writing Team

- May 1
- 1 min read
Nanawagan si Batangas Rep. Leandro Leviste sa pagbibitiw ni Executive Secretary Ralph Recto sa gitna ng ginanap na Labor Day protest rally sa Welcome Rotunda nitong Mayo 1.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga manggagawa at militanteng grupo, binigyang-diin ni Leviste ang pangangailangan umano ng pananagutan mula sa mga opisyal ng gobyerno kaugnay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, langis, at iba pang pangunahing pangangailangan.
Ayon kay Leviste, nararapat umanong managot ang mga opisyal na hindi nakapagbibigay ng agarang solusyon sa lumalalang economic pressures na kinahaharap ng mga Pilipino.
Dinaluhan ng iba’t ibang labor groups ang kilos-protesta bilang bahagi ng paggunita sa Araw ng Paggawa, kung saan iginiit din nila ang dagdag-sahod, pagbaba ng buwis, at mas malawak na ayuda para sa mga manggagawa.
Nanatiling mapayapa ang programa habang mahigpit namang binantayan ng mga awtoridad ang paligid ng Welcome Rotunda upang matiyak ang kaayusan ng pagdiriwang at protesta.



Comments