top of page

MAGSASAKA, NANALO NG ₱25 MILYON SA SUPER LOTTO 6/49

  • Writer: Arvin Enriquez
    Arvin Enriquez
  • Jun 19
  • 1 min read

Isang 60-anyos na magsasaka ang naging bagong milyonaryo matapos mapanalunan ang ₱25 milyong jackpot prize sa Super Lotto 6/49 draw noong Mayo 10, 2026.



Nakuha ng mananaya ang winning combination na 03-16-11-04-14-38 at personal na tinanggap ang kanyang premyo sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Mandaluyong City kasama ang kanyang pamilya.


Ayon sa PCSO, mahigit 30 taon nang tumataya sa lotto ang naturang magsasaka. Aniya, ang mga numerong nagbigay sa kanya ng jackpot ay hango sa mga kaarawan ng kanyang mga kapamilya, na matagal na niyang ginagamit sa kanyang mga taya.


Ibinahagi rin ng bagong milyonaryo na bahagi ng kanyang napanalunan ay ilalaan para sa kanyang mga anak, habang ang natitirang halaga ay gagamitin upang makabili ng sariling lupang sakahan.


Sa pagtanggap ng premyo, sinabi ng nanalo na hindi niya inakalang siya mismo ang magiging isa sa mga mapalad na jackpot winner ng lotto.


Pinaalalahanan naman ng PCSO ang publiko na ang mga premyong lampas ₱10,000 ay saklaw ng 20 porsiyentong buwis alinsunod sa TRAIN Law. Ang mga jackpot prize ay dapat ding ma-claim sa loob ng isang taon mula sa petsa ng bola, kung hindi ay mapupunta ito sa PCSO Charity Fund.


Isinasagawa ang Super Lotto 6/49 draws tuwing Linggo, Martes, at Huwebes, alas-9 ng gabi.

Comments


bottom of page