MGA LARAWAN NI MABANTA KASAMA NG LANG POLITICAL FIGURES, INILAHAD SA BRIEFING
- Arvin Enriquez

- May 6
- 1 min read
Inihayag ni Claire Castro, Palace Press Officer at PCO Usec., sa isang press briefing sa Cebu noong Miyerkoles, Mayo 6, ang mga larawang umano’y nagpapakita ng ugnayan ng naarestong PGMN founder na si Franco Mabanta sa ilang kilalang personalidad sa politika.

Ayon sa presentasyon, kabilang sa mga larawang ipinakita ang pagkakasama ni Mabanta kina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Bise Presidente Sara Duterte, at dating Presidential Spokesperson na si Harry Roque.
Samantala, kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkakaaresto kay Mabanta at ilan sa kanyang mga kasamahan. Ayon sa ulat, nahaharap sila sa alegasyong tangkang pangingikil ng ₱350 milyon mula kay dating House Speaker Martin Romualdez.
Sinabi ni Castro na mahalagang suriin ng publiko ang posibleng ugnayan ni Mabanta sa ilang personalidad na kilala bilang kritiko ng kasalukuyang administrasyon, upang mas maunawaan ang kabuuang konteksto ng insidente.



Comments