top of page
4.png

MINORITY BLOC, NAG-WALKOUT SA SENADO DAHIL SA REMOTE VOTING ISSUE

  • Writer:  Arvin Enriquez
    Arvin Enriquez
  • 3 days ago
  • 1 min read

Tensyonado ang naging sesyon sa Senado matapos mag-walkout ang ilang miyembro ng minority bloc kasunod ng mainit na debate hinggil sa panukalang payagan ang mga senador na makadalo at makaboto sa plenaryo kahit hindi physically present sa session hall.



Nag-ugat ang sigalot matapos igiit ni Senate President Alan Peter Cayetano na pagbotohan ang mosyon ni Sen. Rodante Marcoleta tungkol sa remote participation ng mga senador sa pamamagitan ng teleconference, videoconference, at iba pang electronic means.



Tutol dito ang ilang miyembro ng minority bloc, na nagsabing dapat manatiling mahigpit ang Senado sa pisikal na presensya ng mga mambabatas lalo na sa mahahalagang deliberasyon at botohan.



Sa gitna ng argumento, nagdesisyon ang ilang senador mula sa minorya na iwan ang plenaryo bilang protesta. Dahil dito, agad na nagkaroon ng kakulangan sa quorum na naging dahilan upang tapusin ni Minority Leader Tito Sotto ang sesyon.



Samantala, naging usap-usapan din ang naging matapang na pahayag ni Sen. Erwin Tulfo na nagsabing, “Para makaboto sila, kung nakakulong man sila,” bilang reaksyon sa isyu ng remote participation.



Patuloy namang pinagdedebatehan sa Senado kung ang remote voting ba ay hakbang para sa mas modernong lehislatura o posibleng magdulot ng paglabag sa tradisyon at integridad ng plenary proceedings.


Comments


bottom of page