top of page
4.png

P 155-B UPLIFT FUND INILATAG NG MARCOS ADMIN KONTRA OIL CRISIS

  • Writer: The LOStories Writing Team
    The LOStories Writing Team
  • May 1
  • 1 min read

Marcos para pondohan ang mga programang tutugon sa epekto ng krisis sa Middle East, kabilang ang pagtaas ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin.



Ayon kay Budget Undersecretary Goddes Hope Libiran, ang naturang halaga ay paunang pagtataya pa lamang at maaari pang magbago depende sa magiging pangangailangan at kakayahan ng mga ahensiya ng gobyerno na mag-realign ng kanilang pondo.


Ang UPLIFT o Unified Package for Livelihoods, Industry, Food and Transport ay inilunsad bilang pangunahing tugon ng pamahalaan sa oil crisis at economic disruptions dulot ng tensyon sa Middle East sa ilalim ng Executive Order No. 110.


Sinabi rin ni Libiran na inilunsad na ang opisyal na UPLIFT website bilang transparency tool upang masubaybayan ng publiko ang paggamit ng pondo at mga intervention ng gobyerno laban sa krisis.


Samantala, bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Leyte upang pangunahan ang rollout ng iba’t ibang assistance programs.


Kabilang dito ang pagbibigay ng ₱200,000 sa bawat barangay para sa scholarship at community projects, gayundin ang pamamahagi ng bigas sa ilalim ng Bagong Pilipinas Rice Program upang matiyak ang sapat na food supply sa gitna ng tumataas na presyo ng langis.


Nag-inspeksyon din ang Pangulo sa Hibulangan Small Reservoir Irrigation Project sa Villaba, Leyte na inaasahang makatutulong sa mahigit 1,800 magsasaka sa lalawigan.

Comments


bottom of page