
PATAY SA PRIDE MONTH: LGBTQIA+ MEMBER NATAGPUANG PATAY SA CANAL, EX-BOYFRIEND ARESTADO
- Justine Astodillo

- Jun 21
- 1 min read
ZARAGOZA, Nueva Ecija — Isang 20-anyos na miyembro ng LGBTQIA+ community ang natagpuang patay sa isang irrigation canal sa Sitio Burnao, Barangay Del Pilar, Zaragoza, Nueva Ecija, dalawang araw matapos itong maiulat na nawawala.

Ayon sa imbestigasyon, natagpuan ang katawan ng biktima na nakatali sa bato upang hindi lumutang sa tubig. Sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), lumabas na namatay ang biktima dahil sa pagsakal.
Naaresto na ng mga awtoridad ang dating kasintahan ng biktima, na hinihinalang responsable sa krimen. Ayon sa pulisya, halos dalawang linggo pa lamang mula nang maghiwalay ang dalawa. Lumitaw sa imbestigasyon na selos umano ang naging motibo ng suspek, na nais pa raw makipagbalikan sa biktima.
Nahaharap ngayon sa kasong murder ang suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.
Nangyari ang insidente sa gitna ng pagdiriwang ng Pride Month, isang panahon na nagbibigay-diin sa karapatan, kaligtasan, at dignidad ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community.






Comments