top of page
4.png

PNP, PINAIGTING ANG PAGHAHANAP KINA ATONG ANG, BANTAG AT DUMLAO

  • Writer: Jacob Sakiwat
    Jacob Sakiwat
  • May 14
  • 1 min read

Pinaigting na ng Philippine National Police ang nationwide manhunt operations laban kina Atong Ang, Gerald Bantag, at Rafael Dumlao III matapos kumpirmahin ni Jonvic Remulla na naglabas na ang Interpol ng red notices laban sa tatlo.



“For the information of the body, may red notice na laban kay Bantag. May red notice na laban kay Atong Ang. May red notice na laban kay Dumlao,” ani Remulla sa isang press conference.

Ayon naman sa PNP, lahat ng regional manhunt units ay inatasan nang tumulong sa paghahanap sa mga wanted personalities.


Si Atong Ang ay nahaharap sa kidnapping with homicide cases kaugnay ng pagkawala ng mga sabungero noong 2021 hanggang 2022. Noong mga nakaraang buwan, naglabas din ang mga korte sa Batangas at Laguna ng magkahiwalay na warrants laban sa negosyante, habang umabot na sa ₱20 milyon ang reward para sa kaniyang pagkakaaresto.


Ayon sa mga awtoridad, wala pang kumpirmadong lokasyon si Ang ngunit pinaniniwalaang nagtatago lamang sa loob ng bansa.


Samantala, si dating BuCor chief Gerald Bantag ay wanted kaugnay ng pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid at middleman na si Jun Villamor. Ayon sa ulat, may impormasyon na umano ang tracker teams hinggil sa kaniyang posibleng pinagtataguan at naghihintay na lamang ng tiyempo upang maisagawa ang operasyon.


Si Rafael Dumlao III naman ay nahatulan ng reclusion perpetua dahil sa kidnapping at pagpatay sa South Korean businessman na si Jee Ick Joo noong 2016 anti-drug operation. Sa kabila ng international red notices, sinabi ng mga opisyal na may indikasyong nasa Pilipinas pa rin umano ang tatlo at patuloy ang intelligence operations laban sa kanila.


 
 
 

Comments


bottom of page