top of page

SEN. RODANTE MARCOLETA, DINALA NA SA DETENTION MATAPOS ARESTUHIN SA PLUNDER CASE

  • Writer: Arvin Enriquez
    Arvin Enriquez
  • Jul 6
  • 1 min read

Dinala na sa detention facility si Senador Rodante Marcoleta nitong Lunes, Hulyo 6, matapos siyang arestuhin ng mga awtoridad kaugnay ng kasong plunder na isinampa laban sa kanya ng Office of the Ombudsman.



Naaresto si Marcoleta matapos tanggihan ng Sandiganbayan Third Division ang kanyang mosyon na pigilan ang pagpapatupad ng warrant of arrest. Kasunod nito, ipinatupad ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang arrest warrant at ineskortan ang senador palabas ng Sandiganbayan patungo sa detention facility. Kasama rin sa mga nakita sa lugar si Interior Secretary Jonvic Remulla.


Ang kaso ay nag-ugat sa umano'y hindi pagdedeklara ng ₱75 milyong campaign donations na natanggap ni Marcoleta noong 2025 habang siya ay nagsisilbing party-list lawmaker.


Mariing itinanggi ni Marcoleta ang mga akusasyon at iginiit na wala siyang nilabag na batas. Samantala, nagpapatuloy ang pagdinig sa kaso, at nananatili siyang inosente hangga't hindi napatutunayang nagkasala sa korte.

Comments


bottom of page