SENADO, PINAGTIBAY ANG RESOLUSYONG NAGBIBIGAY-PUGAY KAY RENE BATERBONIA
- Arvin Enriquez
- 14 hours ago
- 1 min read
Dumalo sa plenary session ng Senado noong Miyerkoles, Agosto 5, ang mga magulang ng yumaong Ateneo student-athlete na si Rene Baterbonia, bilang saksi sa pagpapatibay ng isang resolusyong nagbibigay-pugay sa kanyang buhay at pamana.

Sa sesyon, inaprubahan ng Senado ang Senate Resolution No. 472, na kumikilala sa naging ambag at inspirasyong iniwan ni Baterbonia bilang isang student-athlete. Kasama rin sa resolusyon ang pagbibigay-pugay kay Divine Adili, na pumanaw rin sa parehong insidente.
Ipinagkaloob sa mga magulang ni Rene, sina Rene Sr. at Rovelyn Baterbonia, ang kopya ng inaprubahang resolusyon bilang pagkilala sa alaala ng kanilang anak at pakikiramay sa kanilang pamilya.
Patuloy namang nananawagan ang pamilya ng hustisya at ganap na pananagutan kaugnay ng trahedyang ikinasawi ng mga student-athlete. Nauna nang nagsagawa ang Senado ng imbestigasyon upang suriin ang mga pangyayari at matukoy kung may pagkukulang o pananagutan sa insidente.
Ang pagpapatibay ng resolusyon ay nagsisilbing pagkilala hindi lamang sa mga nagawa ni Rene Baterbonia bilang atleta at estudyante, kundi pati na rin sa kahalagahan ng pagpapatibay ng kaligtasan at kapakanan ng mga kabataang lumalahok sa mga aktibidad ng kanilang mga paaralan.






Comments