USEC CASTRO: MAGKAIBA ANG "HULI" AT "ARESTO" SA ISYU NI ZALDY CO
- The LOStories Writing Team

- Apr 24
- 1 min read
Iginiit ni Usec. Claire Castro na malinaw ang pagkakaiba ng “huli” at “aresto” kaugnay ng sitwasyon ni Zaldy Co sa Czech Republic.

Nilinaw ni Castro na hindi ginamit ni Ferdinand Marcos Jr. ang salitang “inaresto” sa kanyang anunsyo noong April 16, taliwas sa kumalat na interpretasyon sa social media. Aniya, ang ginamit ng Pangulo ay “nahuli,” na tumutukoy sa pagkakasangkot ni Co sa immigration issue.
“Hindi nanggaling sa Pangulo ang salitang ‘aresto.’ Ang sabi ng Pangulo ay nasa kustodiya ng Czech Republic si Zaldy Co dahil sa kakulangan sa proper documentation. Nahuli si Zaldy Co due to immigration concerns,” paliwanag ni Castro.
Dagdag pa niya, walang kontradiksyon sa pagitan ng pahayag ng Pangulo at ng Jesus Crispin Remulla, na nauna nang nagsabing hindi rin maituturing na “inaresto” si Co sa ilalim ng batas ng Czech Republic dahil wala itong arrest warrant doon.
Kasabay nito, itinanggi rin ni Castro ang mga kumakalat na maling interpretasyon sa social media hinggil sa naging anunsyo ng Pangulo, at binigyang-diin na tama at malinaw ang kanyang pahayag sa publiko.
Matatandaang naglabas ng mensahe si Marcos Jr. upang ipaalam sa sambayanang Pilipino ang sitwasyon ni Co sa Czech Republic, kung saan ito ay kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad dahil sa kakulangan sa tamang dokumentasyon.



Comments