top of page
4.png

UTANG NG PILIPINAS SUMAMPA SA ₱18.5 TRILLION

  • Writer:  Arvin Enriquez
    Arvin Enriquez
  • May 22
  • 1 min read

Lumobo na sa halos ₱18.5 trillion ang kabuuang utang ng Pilipinas hanggang Marso 2026, ayon sa IBON Foundation.



Batay sa datos ng grupo, umaabot umano sa ₱126.6 billion kada buwan ang average na nadaragdag sa utang ng bansa sa ilalim ng administrasyon ni Ferdinand Marcos Jr..



Ayon pa sa IBON, mas mabilis umano ang pangungutang ng kasalukuyang administrasyon kumpara sa mga nagdaang pamahalaan nina Gloria Macapagal Arroyo, Benigno Aquino III, at Rodrigo Duterte.



Binigyang-diin din ng grupo na malaking bahagi ng pondo ng gobyerno ang napupunta lamang sa pagbabayad ng interes sa utang, imbes na magamit sa mga pangunahing serbisyong pampubliko.



Sa pagtataya ng IBON Foundation, katumbas na umano ito ng humigit-kumulang ₱663,148 na utang para sa bawat pamilyang Pilipino.


Comments


bottom of page