WALANG QUORUM: MAJORITY BLOC, NAG-BOYCOTT SA PLENARYO
- Arvin Enriquez

- Jun 2
- 1 min read
Nananatiling walang quorum ang Senado ngayong Martes, Hunyo 2, matapos kumpirmahin ni Senate President Alan Peter Cayetano na hindi dadalo sa plenary sessions ang majority bloc bilang tugon sa naging walkout ng minority bloc noong Mayo 26.

Sa isang Facebook Live, sinabi ni Cayetano na napagkasunduan ng mayorya na huwag munang dumalo sa plenaryo matapos umanong gamitin ng minority ang parliamentary procedure upang pigilan ang pag-apruba ng panukalang magpapahintulot sa online participation ng mga senador sa mga sesyon.
Ayon kay Cayetano, ginagamit din ngayon ng majority bloc ang mga umiiral na tuntunin ng Senado upang mapigilan ang anumang pagtatangkang baguhin ang liderato ng kapulungan at maagaw ang pamumuno sa ilang komite, kabilang ang Blue Ribbon Committee.
Iginiit niya na layunin ng hakbang na matiyak na matutuloy ang nakatakdang pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa Huwebes, gayundin ang iba pang mahahalagang pagdinig ng mga komite ng Senado.
Dahil sa kawalan ng sapat na bilang ng mga senador, nananatiling nakabinbin ang ilang mahahalagang usapin at legislative measures na inaasahang tatalakayin sa pagbabalik ng sesyon.






Comments