top of page


11 PULIS SA PANGASINAN, PINATALSIK DAHIL SA JUETENG
Sinibak sa puwesto ang 11 tauhan ng pulisya sa Pangasinan nitong Abril 27 dahil sa kanilang pagkakasangkot sa operasyon ng ilegal na sugal na jueteng sa iba't ibang bahagi ng lungsod. Sa kumpirmasyon ni Philippine National Police Public Information Office Chief Brigadier General Randulf Tuaño, kabilang sa mga inalis sa pagkakaupo ang director ng Pangasinan Police Provincial Office at ang mga chief of police sa mga bayan kung saan napatunayang umiiral ang mga ilegal na sugal.

Ceana Mendoza
Apr 301 min read
bottom of page