"LEARN TO ACCEPT, TO LOVE YOUR BODY"
- The LOStories Writing Team

- Apr 24
- 1 min read
Umani ng atensyon online ang isang kalahok ng Mister Pampanga na si RJ Perkins matapos ang kanyang kakaibang pagrampa na nagpakita ng matinding kumpiyansa sa sarili—isang mensaheng tumama sa puso ng maraming netizens.

Sa kabila ng hindi pasok sa karaniwang pamantayan ng pageant body, buong tapang at taas-noong rumampa si RJ—isang bagay na agad umani ng papuri mula sa maraming netizens. Marami ang na-inspire sa kanyang mensahe ng self-love at body positivity, na nagsasabing hindi kailangang sumunod sa “standard” para maging karapat-dapat at kahanga-hanga.
Nagpasalamat naman si RJ sa mga sumuporta at nagpahayag ng paghanga sa kanya. Ayon sa kanya, ang kanyang ginawa ay hindi lamang para sa sarili kundi para na rin sa mga taong nahihiyang ipakita ang tunay nilang anyo.
May mensahe rin siya sa mga bumatikos at nambash sa kanya: hindi raw dapat maging hadlang ang opinyon ng iba para mahalin ang sarili. Binigyang-diin niya na ang tunay na kagandahan ay nagmumula sa kumpiyansa at pagtanggap sa kung sino ka.
Sa huli, dala ni RJ ang isang simpleng ngunit makapangyarihang paalala: “Learn to accept, learn to love your body.”



Comments