top of page
4.png

ALAS PILIPINAS PINATAOB NG TAIPEI, BIGONG MAKAPASOK SA SEMIS

  • Writer: Arvin Enriquez
    Arvin Enriquez
  • Jun 11
  • 1 min read

Tuluyang naputol ang semifinal streak ng Alas Pilipinas matapos itong tambakan ng undefeated Chinese Taipei sa tatlong sunod na set, 25-16, 25-14, 25-10, sa AVC Women's Volleyball Cup ngayong Huwebes.



Dahil sa pagkatalo, bumagsak sa 2-3 ang kartada ng Alas Pilipinas at nalaglag ito sa classification round, dahilan para hindi makapasok sa semifinals sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong taon.


Mula pa sa unang set ay kontrolado na ng Chinese Taipei ang laro sa pamamagitan ng matitinding opensa, matatag na depensa, at epektibong serbisyo. Hirap ang pambansang koponan ng Pilipinas na makasabay sa bilis at organisadong sistema ng kanilang kalaban.


Bagama't nakadikit pa sa umpisa ng unang set, unti-unting lumayo ang Chinese Taipei hanggang tuluyang dominahin ang buong laban. Lalong nahirapan ang Alas Pilipinas sa ikatlong set kung saan mabilis na nakapagtayo ng malaking kalamangan ang kanilang mga kalaban.


Nanatiling undefeated ang Chinese Taipei sa kanilang apat na laban at lalo pang pinatatag ang kanilang kampanya patungo sa susunod na yugto ng torneo.


Sa kabila ng kabiguan, magpapatuloy pa rin ang Alas Pilipinas sa classification round kung saan susubukan nitong makamit ang pinakamataas na posibleng placement sa kompetisyon.

Comments


bottom of page