top of page

YUMAO NA, PENSIYONADO PA RIN? PENSION PAYOUT SA MAYNILA, SINISILIP

Writer: Arvin Enriquez
Arvin Enriquez
Aug 14
1 min read

Mga senior citizen na matagal nang pumanaw, lumilitaw umanong nakapirma pa rin sa listahan ng tumanggap ng ₱500 buwanang pensiyon sa Maynila.



Ilang kaanak ng mga yumao ang nagreklamo matapos nilang matuklasang kasama pa rin sa pension list ang kanilang mga namatay nang kamag-anak para sa January hanggang March 2026 payout.


Ayon sa isang complainant, noong 2022 pa pumanaw ang kaniyang ama at tiyuhin, ngunit nakasaad umano sa dokumento na may pumirma para sa kanilang pension.


Dahil dito, kinukuwestiyon ng mga kaanak kung sino ang aktuwal na tumanggap ng benepisyo at kung paano nakalusot sa proseso ang mga pangalan ng mga senior citizen na matagal nang patay.


Kung mapatutunayang may ibang taong tumanggap ng pension gamit ang pangalan ng mga yumao, maaari itong magbukas ng mas malalim na imbestigasyon sa proseso ng payout at record verification.


Wala pang pahayag ang barangay kaugnay ng reklamo at sa mga alegasyong nakapaloob sa pension records.


Patuloy na hinihintay ang panig ng mga kinauukulang opisyal.

Comments


bottom of page